Underage na papuntang Saudi, naharang sa Clark Airport

Isang Pinay na patungong Saudi Arabia ang hinarang ng Bureau of Immigration (BI) sa Clark International Airport. Ayon sa biktima, siya ay 27 anyos na at magtatrabaho bilang domestic worker sa nasabing bansa ngunit napansin ng isang immigration officer ang hindi pagkakatugma ng kanyang salaysay sa mga dokumentong kanyang ipinakita. Napag-alamang ang biktima ay 21 taong gulang lamang at isang agent o recruiter na nagngangalang “Munalisa” ang nagutos sakanya na ‘wag sabihin ang kanyang tunay na edad. Pineke ang mga dokumento ng nasabing Pinay.

Ayon sa BI, malinaw na kaso ito ng human trafficking at illegal recruitment, at pinag-iingat ang publiko sa mga ganitong modus.

Leave your thoughts

error: Content is protected !!