2 Illegal Recruiter, Arestado

Nasakote ang 2 babaeng illegal recruiter na nanloko ng mahigit sampung katao at nangakong paaalisin ang mga ito papuntang Poland. Sa pamamagitan ng sinasabing tie-up agency, pinangakuan nila Maricel Abad at Mary Felisa Rapale na maproproseso ang mga dokumento ng mga biktima at mapapalusot ang mga ito sa airport. Humigit kumulang 100,000 kada isa ang bayad matuloy lamang di-umano ang pagtratrabaho sa Poland. Ang ilan sa mga biktima ay nauna ng na-scam ng mga visa consultancy sa Dubai at Taiwan – hindi tamang employment contract, bagkus ay pawang mga contract of mandate lamang ang ibinigay sa mga ito.

Leave your thoughts

error: Content is protected !!