IllegalRecruiter na nag-recruit sa FB ng Direct Hire, Kulong!

Arestado ng NBI sa Cebu City si Juvelyn delos Trico sa kasong illegal recruitment at violation ng anti-cybercrime law. Si Juvelyn de los Trico ay nangakong magpapadala ng mga direct hire di-umano na trabahador sa UAE at Singapore. Modus ni delos Trico ang paggamit ng Facebook sa pag-rerecruit at ang pagkuha ng mga passport ng aplikante, pagkatapos ay ire-require ang mga aplikante na sumailalim sa medical exam. Hindi empleyado ng agency at walang authority mula sa POEA si delos Trico para mag-recruit.

PAALALA mga kabayan, makipag-transaksiyon ng direkta sa POEA licensed agency at wag na wag magbibigay ng pera o dokumento tulad ng passport sa mga hindi awtorisadong tao.
Maging matalino, Huwag magpaloko

Leave your thoughts

error: Content is protected !!