Kung may nagsabi sa iyo na magtrabaho ka ng maayos ay magiging maayos ang lahat, totoo iyon. Pero ang pagtatrabaho ng maayos ay kaakibat ng pakikisama sa mga katrabaho mo. Marapat lang na gawin ang dalawang ito upang maging matagumpay sa iyong trabaho.
Siguro alam mo na ang iyong magiging trabaho, pero dapat alam mo ang pasikot-sikot ng iyong ginagalawan para maging magaling sa trabaho. Marami kang kakaharaping mga problema na sangkot ang iyong mga katrabaho pero kung paano mo ito masosolusyunan ang magpapatakbo ng maganda sa iyong karera.
Para gumawa ng magandang impresyon sa iyong magiging trabaho abroad, maganda kung matututo kang makisama.
Ito ang ilan sa mga tips para maisagad mo ang iyong abilidad:
- Kilalanin ang mga katrabaho – Magpakilala sa mga katrabaho ng may ngiti sa mga labi. Alamin ang kanilang mga pangalan at huwag kalimutan. Makipag-usap sa kanilang lahat, huwag kang mamili ng kakausapin.
- Magsimula sa iyong boss – Kilalanin ang iyong boss at ipaalam sa kaniya ang bawat galaw mo sa trabaho. Magtanong sa kaniya bago at tapos gawin ang mga gawaing nakaatang sa iyo. Gumawa ng mga bagay na ikakapanatag sa iyo ng iyong boss. Iparamdam mo sa kanila ang iyong gana sa pagtatrabaho, magtanong kung may ipapagawa siya sa iyo upang maging tiwala siya sa iyo.
- Ganahan sa iyong trabaho – Habang nakikisalamuha sa iyong mga katrabaho, ipakitang nasisiyahan ka sa iyong trabaho at i-appreciate ang trabaho ng iba sa pamamagitan ng pag-intindi sa kanilang paghihirap. Sa pamamagitan nito, mapapanatag ang loob nila sa’yo.
- Mas makinig kaysa magsalita – Matutong makinig kahit may mga bagay kang alam na tungkol sa sinasabi nila. Kapag lumaon, maaari mo nang sabihin ang iyong kaalaman sa isang bagay nang may interes kung paano mas mapabuti ang trabaho.
- Magtanong ng importanteng bagay – Hayaan mong iparamdan ng iyong mga tanong na magaling sa trabaho ang iyong mga katrabaho. Isaalang-alang kanilang mga payo. Iwasang magmarunong.
- Ilista ang iyong mga tagumpay – Gumawa ng listahan ng iyong mga nagawa para sa performance review meeting. Kakailanganin mo ito para sa iyong promotion o sa ibang trabahong pag-a-apply-an.
- Maging propesyunal – Manamit ng maayos upang maging propesyunal tignan. Hindi ito ang oras para manamit ng uso, magkaroon ng hindi tipikal ng buhok, at hindi malinis na itsura. Kung propesyunal kang tignan, seseryosohin ka ng iyong mga kausap. Respetuhin ang mga nakapaligid sa iyo at idolohin ang mga matagumpay na tao sa paligid mo.
- Gumawa ng impact habang maaga – Ang impresyong ginawa mo sa iyong interview ay ang aasahan sa iyo at sa iyong trabaho. Panghawakan ito.
- Huwag gumawa ng network – Huwag mamili ng kakausapin sa iyong mga katrabaho. Kung maaari, maging patas sa lahat. Huwag iwasan ang isang katrabaho dahil sa mga kuwentong mahirap siyang pakisamahan. Huwag sumama sa mga network na ito.
- Umiwas sa pulitika sa trabaho – Ang mga grupo sa trabaho ay mayroong pulitika. Huwag makisali sa mga grupong ito. Itrato ang mga grupong ito ng pantay-pantay.
- I-utilize ang iyong social media accounts – Ipakita ang iyong pakikisalamuha sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga katrabaho sa social media at tignan ang mga kaganapan sa iyong organisasyon. Bumuo ng mga koneksyon at gamitin ang kanilang mga payo para magtagumpay sa iyong karera.
- Makisalamuha pagkatapos ng working hours – Sulitin ang bawat oras para makisalamuha sa mga katrabaho. Huwag gumawa ng mga hindi maganda akto, iwasang uminom ng marami na maaaring malimitahan ang pagyaya sa iyo sa mga darating pang okasyon.
- Magpakita ng appreciation – Wala nang mas hihigit pa sa pagpapakita ng appreciation sa isang tao para sa pagtulong sa iyo.
- Maghanap ng mentor – Sa unang araw sa trabaho, magsimula nang pumili ng maaaring maging mentor sa organisasyon sa labas ng iyong departamento na maaaring magbigay ng gabay at protektahang i-advane ang iyong career. Ang kagandahan dito, tutulungan ka nitong maging mature para sa mas malaking pagsubok sa hinaharap ng iyong karera. Itama ang sarili sa proseo.