POEA pinaalalahanan ang mga OFW sa pekeng dokumento

Pinaalalahanan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga balik-manggagawa o ang mga manggagawang Pilipino na babalik sa kanilang trabaho sa paggamit ng pekeng dokumento sa kanilang pag-aaplay ng exit clearance o ng overseas employment certificate (OEC).

Iniulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Kuala Lumpur na may isang Gina Leyson Erana ang nagbibigay ng pekeng employment contract, passport, visa, at iba pang kinakailangang dokumento sa mga Pilipinong nagtatrabaho ng iligal sa Malaysia na nagnanais makakuha ng OEC sa Pilipinas.

Sa tala ng POLO Malaysia may isang kaso ng hindi-dokumentadong manggagawa ang umalis ng Pilipinas patungong Malaysia gamit ang pekeng dokumento mula kay Erana.

Dating may facebook account si Erana sa pangalang “Juvica A. Pudun” kung saan kanyang inaanunsiyo ang mga pekeng bakanteng trabaho at nag-aalok ng “documentation services” sa mga Filipino, partikular sa mga household service workers na iligal na nagtatrabaho sa Malaysia.

Dinakip siya ng mga awtoriad ng Malaysia dahil sa pagiging iligal na migrante at pina-deport sa Pilipinas. Gayunpaman, hinihinala na bumalik si Erana ng Malaysia at patuloy na nagsasagwa ng mga iligal na gawain gamit ang ibang Facebook account.

Pinapaalalahanan ng POEA ang mga umuuwing manggagawang Filipino na huwag kunin ang serbisyo ng mga taong gumagawa ng pekeng dokumento. Makakasuhan ang mga OFW na magsusumite ng pekeng impormasyon o dokumento ng suspensiyon o permanenteng diskwalipikasyon sa mga overseas employment program.

Leave your thoughts

error: Content is protected !!