PAANO MALALAMAN NA ILLEGAL ANG NAG-RERECRUIT SAYO?

PAANO MALALAMAN NA ILLEGAL ANG NAG-RERECRUIT SAYO?

  1. Multiple accounts, iba-ibang FB account, iisa naman ang may-ari – at pare-parehong nag-rerecruit kahit walang license o authority galing POEA;
  2. DH Bound to UAE (Dubai, Abu Dhabi) – wala pa ngang job order na approved para sa UAE, bakit ka mag-rerecruit? Ang job order ang katunayan na may employer at trabaho talagang naghihintay sayo, at ang kontrata mo ay aprubado!
  3. Direct Hire naman daw, hindi need ng agency sa Pilipinas. Kahit saang bansa pa yan, BAWAL ang DIRECT HIRE ng DH! Required na dumaan sa isang POEA licensed recruitment agency;
  4. Line-up lang daw, hindi recruit – pareho din yun! At para maka-line up ka o manpower pooling, dapat aprubado ng POEA! Kung walang approval ng POEA, hindi ka pwedeng maghanap ng paline-up!
  5. Nakakapagpa-flight na daw sila – ang tanong paano? Tourist? Visit Visa? Pekeng papeles?! Naku delikado yan, pag nahuli ka sa airport – offload ka at posible ka pang makulong. At kung sakali mang makalusot ka, dahil wala kang sapat na dokumento, mas malamang maabuso ka sa ibang bansa.

Leave your thoughts

error: Content is protected !!