BABALA ng POEA sa publiko: MAG INGAT SA ILLEGAL AGENTS

BABALA ng POEA sa publiko na mag-ingat sa mga taong nag-rerecruit o nangangako ng trabaho sa ibang bansa gamit ang pangalan ng mga POEA-licensed recruitment agency. Kadalasan ay nagpapakilala ang mga ito na konektado sa mga nasabing agency, pero sa katotohanan ay hindi mga empleyado o rehistradong staff. LAHAT ng mag-rerecruit (mangangako, mag-rerefer, mag-popost o mag-aadvertise) pa-abroad ay kinakailangang authorized ng mga licensed na agency at dapat ay nakalista o kinikilala ng POEA.

ILLEGAL ang mga di-rehistradong AGENT o SUB-AGENT. Marami ng nabiktima ang mga agent na ito, na itinakbo o pinatubos ang mga passport ng aplikante, inililipat sa ibang agency, pinepeke ang mga papeles, pinag-memedical kahit na wala pang employer, kontrata, o alok ng trabaho. May ilan na ring minamaltrato, at mga kaso ng human trafficking at prostitusyon.

Kung nag-nanais mag-apply pa-abroad ay direktang makipag-ugnayan sa mismong opisina ng mga POEA-licensed recruitment agency. Maaari ring tumawag o mag-email sa mga recruitment agency na nakalista sa POEA website (www.poea.gov.ph). Ang sinumang may reklamo o impormasyon sa mga illegal recruiter ay maaaring mag-report o mag-PM dito sa POEA Anti-Illegal Recruitment Branch.

Leave your thoughts

error: Content is protected !!